Tuesday, May 9, 2017

[Filipino] Review and Recommend: Mamonde Skin Care Sample Kit

[Filipino] Review and Recommend: Mamonde Skin Care Sample Kit

Lotus Micro Cleansing Foam, Mamonde Rose Water Toner, First Energy Essence



1. Lotus Micro Cleansing Foam

Bago ko sinubukan itong cleansing foam, Inisip ko muna kung kapareho pa nito ang epekto nung ginagamit ko ngayon na 3W Clinic Green Tea Foam Cleansing. Pero dahil alam kong Korean brand ito at madami na akong nabasang magagandang reviews ng mga online bloggers tungkol dito, pinagkatiwalaan ko naman ito. Pagkatapos kong magamit ang facial wash, kasama ang Rose Water Toner at First Energy Essence, masaya naman ako sa resulta kung gaano kalinis at kalambot ang aking mukha. Nabawasan ang oiliness at lumiliit ang hitsura mga pores ko.

May amoy siya na parang fresh pine pero di naman overpowering yung amoy kaya okey lang sa akin Nakakarelax pa nga sa tuwing naghihilamos ako kasi parang nagpapa-spa ang feeling. ang rating ko sa facial foaming cleanser na ito ay 5/5!


2. Rose Water Daily Skin Toner

Sabi ng kaibigan ko, subukan ko daw ito. Salamat sa kanya dahil nagustuhan ito ng balat ko.Nakakaenjoy yung amoy ng rose at kung paano nito natatanggal yung dumi sa balat ko - 'yong deep-seated dirt na hindi natanggal ng hilamos lang. 'Yun yung nakakapagdulot ng pimples. Natatanggal niya iyon kaya gumagaling yung mga namumula kong break-outs. 

Ang rating ko din dito ay 5/5. At sigurado, bibili ako ulit nito para magrestock. 


3. Mamonde First Energy Essence


Pagkatapos maghilamos at mag lagay ng toner, naglagay naman ako nitong essence para ma-moisturize yung mukha ko. Sa Korean beauty regimen, aabot daw ng sampung klase ang nilalagay nila para makumpleto ang skin care regimen. Para sa akin, puwede na ang tatlo. Puwede naman i-alternate ang essence sa sheet masks, clay masks, or serums para sa moiturizer, basta makumpleto ang tatlong proseso: hilamos, toner, moiturizer para makuha yung effect na malambot at makinis na kutis at maiwasan ang pagiging oily ng balat at pagkakaroon o pagdami ng breakouts. 

Bibigyan ko ng rating na 4.5 out of 5 dahil epektib sya sa akin.

Kailangan lang maingat sa paggamit kasi malabnaw ang essence na ito, hindi tulad sa iba na mas malapot ang consistency. Pero ang maganda sa formula niya ay madali naman siyang maabsorb ng balat. Kahit kaunti lang ay mainam na ipahid sa buong mukha.


To Sum It Up

Ang Mamonde Skin Care Sample Kit ay must-buy sa aking listahan dahil effective siya sa aking balat. Napapanatili niyang oily-free ito at nababawasan ang pagkakaroon ng red mark, blackhead at breakout. Dahil mahilig talaga ako sa Korean skin care, bibili ako ulit nito at ng iba pang tatak at klase, para makuha ang kutis Koreana na nakikita ko sa TV. :)

Saan nakakabili online"

i-click ang mga link:

Facebook:         DiFi Boutique

Instagram:        difi_jewelry

Carousell:        dianediamond









Paalala: Ang balat natin ay iba-iba, maari din na iba-iba ang effectiveness ng mga produkto sa atin. Maaring may allergies ang ibang tao sa ingredients o nilalaman ng bawat produkto. Kaya't maging maingat sa paggamit o pagsubok sa mga ito. Kung magkaroon ng allergic reaction, agarang ihinto ang paggamit at kumunsulta sa iyong dermatologist.